abaka ang buhok ; matanda na, puti na ang buhok
Abaka na ang buhok ng aking guro sa elementarya.
|
abo ang laman ng ulo
; bobo; inutil; walang nalalaman
Marami sa amin ang nagiisip na baka abo ang laman ng ulo ni Peter kaya sampung taon na ito sa kolehiyo.
|
abot-agawin; madaling agawin
Huwag kang maglalabas ng cellular phone sa kung saan-saan, abot-agawin yun.
|
abot-agawin; madaling agawin
Abot-agawin yang mamahaling cellular phone mo.
|
abot - balani ; madaling maakit
Abot - balani ang mga babaeng nakakakita kay Jhay-Arr
|
abot-balani; madaling maakit
Abot-balani ang mga lalaking nakakakita kay Paola.
|
abot-balani ; madaling maakit
Ligawan mo na si Tetay, abot-balani naman iyan.
|
abot - dili ; malapit nang mamatay; nasa bingit ng kamatayan; malubha ang kalagayan
Abot - dili si Franzen matapos itong barilin sa likod ng pulis.
|
abot-dili; malubha ang kalagayan; malapit nang mamatay
Abot-dili na ang aking lola ng dumating ako sa ospital.
|
abot-hininga; madalas na paghinga; ginagamit para tukuyin ang taong natataranta o di kaya’y napapagod.
Abot-hininga ako tuwing dikit ang laban ng aming koponan.
|